Yung totoo lang, anong companies ba talaga nagfifilter based sa Big 3/4 na 'yan? Help jobhunters out! Gagraduate ng hindi pinalad sa buhay here. Public university pero hindi rin ako taga "Top Preferred Employees" school na lower tier bet after ng priority target hires nila. Alam naman po na standard practice magtailor ng resume/CV/cover letter per job application. So gusto po namin malaman ng friends and acquaintances ko alin yung mga s-skip na para kahit papaano makapagsave din ng minutes sa pag-aapply lalo na karamihan sa amin working students. For practical reasons po ganun. Puro Magna/Summa naman kami, tech course, pero apparently walang value yan pagdating sa big companies. Para yung bilang na big companies nalang po applyan namin and makapagfocus na sa midsize/local companies. Unless may mga local companies na nagfifilter din, pa-share nalang din po! Ang naiparating lang po sa amin na "confirmed" is ito: FMCG (halos lahat) \- P&G \- Nestle \- Unilever \- Mondelez Banking \- HSBC Startup (matic if "Big 4" founder) \- Foundry For Good VA Agency \- Pearl Talent This thread is only 1 month ago, pero relevant pa rin talaga sya: https://www.reddit.com/r/CorpoChikaPH/s/AQh5PCx9o2 Other threads na nakakapanghina: https://www.reddit.com/r/phcareers/s/gxmKz4ySoe https://www.reddit.com/r/AskPH/s/SY8bxwz4DY https://www.reddit.com/r/CollegeAdmissionsPH/s/SKlZHp3OPA https://www.reddit.com/r/PinoyProgrammer/s/1HpinYnU10 https://www.reddit.com/r/AskPH/s/2kCuVYiaOF https://www.reddit.com/r/phcareers/s/rPWNhhSA8G https://www.reddit.com/r/phcareers/s/m6lHlaW209 Nung binabasa namin yung comments, parang nakakahiya naman na nakasagabal pa resume namin sa hiring process nila 😭 If di talaga kami welcome, mas okay po na iindicate nalang sa JD or sa confirmation email kesa yung isang comment na kesyo "red flag"/"discriminatory" daw yun. Eh totoo namang ganun eh, just be upfront about it nalang. Tigilan na rin po muna yung pag-advice ng "maglelevel out din ang playing field soon"— wala kaming pake sa soon, parehas lang kami ng credentials pero mas mataas sahod sakin— kapag naghintay pako ng "soon" baka patay na yung mga binubuhay namin dyan. Tigil-tigilan na rin po pag-spew ng "meritocracy" at "defeatist mindset" na yan dahil konti nalang mapapaself choke meme nako sa mga taong yan ang paniniwala. Wala naman po kaming balak mag management level eh, gusto lang namin makapasok ng companies na hindi sobrang baba tingin sa mga katulad namin and hindi naman inhumane yung pambabarat ng sahod kahit skilled naman. Palapag po company names nawa'y mabiyayaan ka ng salary increase 🙏 Thanks po!Reddit(opens in a new tab)
Loading company discussions