Sana pumasa na resume ko, gusto ko na magwork sa hotel About me: F 22, BSHM grad, OJT exp was in Hotel and Restaurant. Ngayong month palang ako nag apply sa isang agency na nag dedeploy sa hotels, unang endorse ko was Shangri-La The Fort but unfortunately di daw nakapasa resume ko sa screening so today pumunta ulit ako kay agency para mag submit ng resume ulit to apply pa sa ibang hotels na hawak nila. Mabait tska I can say maasikaso yung agency na toh, I was told na ieendorse naman nila ako sa Edsa Shangri-La. I told them kasi na as much as possible ayoko sa malayo like Parañaque o Pasay, told them okay ako sa Makati, QC, Taguig and Mandaluyong. Eh wala pa daw hiring sa Makati kaya try daw dito sa Edsa Shangri-La. Yung iba daw na iendorse din sa The Fort like me isa lang daw pumasa tapos yung position niya iba sa inaapplyan niya, naliitan daw kasi sa height. Naguusap sila nung katabi niya tapos sabay sabi "eh eto si (ako) matangkad sayang..." Ako naman medyo nabawasan worry ko, siguro dahil sa compliment na matangkad ako, issue kasi tlga dito sa pinas pag sa hotel industry eh yung height eh. Medyo nalungkot din ako kasi eto na nga matangkad na nga ako tas di ba nainvite for interview. So ayun eto pauwi nako, hindi ko maiwasan mag overthink parin kasi what if di na naman makapasa resume ko sa screening. Jusko screening palang ng resume wala na? huhuhu clean naman resume ko maayos siya tignan, ewan ko kung ATS format ba tong gamit ko eh. One page lang din naman siya. Tinanong ko si agency ilang days ako makakareceive ng update, sabi ipapasa daw niya agad resume ko doon sa coor nila sa Edsa Shangri-La para ma update ako agad. I have this assurance feeling na makakareceive tlga ako ng update, kasi kahit di ako pasado sa The Fort may update ako nareceive eh. Anyways, nagwoworry parin ako huhuhu next week pupunta na ako sa ibang agency para doon din mag apply kahit maayos tong unang agency ko para atleast napapasa yung resume ko. Gusto ko na mag work :(Reddit(opens in a new tab)
Loading company discussions